?

Log in

The Radioactive Sago Project [entries|archive|friends|userinfo]
Radioactive Sago Project

[ website | Wasak na Wasak ]
[ userinfo | livejournal userinfo ]
[ archive | journal archive ]

Sago gigs for February [Feb. 8th, 2006|06:52 pm]
Radioactive Sago Project

chronic_dose
Here's the confirmed gig list for the month of February...

February 11 — UP Bahay ng Alumni, 8:30pm / Lovapalooza -- Baywalk, Roxas Blvd, 12:00mn (Halikan
portion na siguro...)

February 13 — UP Fair (To be confirmed...)


February 17 — UP Fair (Sure na!), 11:00pm


February 18 — UP Fair...ulit.


February 22 — Saguijo Cafe for Pinoy Soul Productions



See you around. ;)
linkpost comment

Okay, just to remind everyone... [Jan. 25th, 2006|06:03 pm]
Radioactive Sago Project

chronic_dose
Image hosting by Photobucket



Let's hope and pray it won't rain on Saturday...
linkpost comment

A possible music video for "Alaala ni Batman" [Jan. 19th, 2006|08:00 pm]
Radioactive Sago Project

chronic_dose
[mood |excitedexcited]
[music |Alaala ni Batman -- Radioactive Sago Project]

Guys, you might probably heard about this, but I heard from a few sources that the band is currently working on a music video for "Alaala ni Batman" -- the fourth track released from their second album, "Urban Gulaman." This is undoubtedly one of my favorite tracks, and it will be done in 3-D animation. Brilliant concept. It will be worked by Ivan Despi, a young animator who has done extensive work for several ABS-CBN news and current affairs programs (graphics and OBB's), so there's no doubt it's going to be a surefire hit.

Alak pa.



According to Wowie (Anzano), it's going to be a movie, but you know how he is when he's smashed...
link4 comments|post comment

Radioactive Sago to play at Jazz Fest [Jan. 17th, 2006|08:31 pm]
Radioactive Sago Project

chronic_dose
[music |Take Five -- Dave Brubeck]

Radioactive Sago Project along with fellow Terno band, Wahijuara will be playing at the forthcoming International Jazz and Arts Festival at the Harbour Square, CCP Complex at January 22, 2006.

The schedule of some of the bands that will be performing is placed under a cut. Just check it out.

Read more...Collapse )

Tickets are available at the
following outlets:

1. Ticketnet (www.ticketnet.com.ph)
2. TicketWorld (www.ticketworld.com.ph)
3. Casino Filipino Amphitheatre gate
4. Harbor Square gate entrance
5. Select pubs and bars
6. by email mailto:pijazzfest@123mail.org
7. or call (02)8902016, (02)8902007

*All tickets ordered via email are COD
linkpost comment

Lyrics: Kape [Jan. 16th, 2006|04:02 pm]
Radioactive Sago Project

chronic_dose
Kape
Radioactive Sago Project
Urban Gulaman
Lourd De Veyra / Francis De Veyra

Eto hindi mo ‘to alam, pero noong araw, ipinagbabawal ng mga hari ang kape. Sabi ng hari, “Pupugutan ko ng ulo ang lahat ng mahuli kong humihigop ng kape.” Pano naman, paboritong inumin ito ng mga pilosopo, ng mga magikero, ng mga makata. Akala ng hari, tumatalino sila dahil sa kape eh. Pero hindi ko alam. Hindi ko alam pre. Basta alam ko masarap magkape.

Eto hindi mo rin ‘to alam, pero noong araw, ipinagbabawal din ang alak. Marami nang nakulong dahil sa pag-inom ng alak. Marami na ding nahuli dahil nagbebenta sila ng alak. Marami na ring PATAY nang dahil sa alak. Pero tignan mo naman ngayon, ang mundo nalulunod sa alak. Marami nang buhay nasira sa alak. Pero sa kape, wala pang nasirang buhay. Ewan ko. Hindi ko alam pre. Basta alam ko masarap magkape.

Ang sarap talagang mag-kape, pare ko! Habang sinusulat ko ‘to, uminom na ako ng sampung tasang kape. Hindi ko alam. Hindi sa Starbucks dahil wala akong pera. Dito lang sa bahay. Kapeng barako lang ang kaya ng bulsa ko. Sampung baso. Ang sarap talaga. Nalulunod na ang ulo ko. Ngayon, malawak na ang pananaw ko sa buhay. Ngayon, hindi nako natatakot mamatay. Ang sarap mag-kape.

(Instrumental)

Ngayon, puro kape na ang laman ng ugat ko. Ang tali-talino ko na. Pwede na akong mag-champion sa Game Ka Na Ba. Ang tali-talino ko, ang lakas-lakas ko. Mamaya magsuntukan tayo. Mamaya magsuntukan tayo! Ngayon, wala nang pagkain sa mesa. Wala nang paki sa mesa. Ubos na rin ang sigarilyo. Hindi nako makahinga. Ubos na ang sigarilyo. Hindi ako makahinga. Magsuntukan na tayo. Ubos na ang sigarilyo. Hindi ako makahinga. Hindi ako makahinga. Ubos na ang sigarilyo. MAGSUNTUKAN NA TAYO! HINDI AKO MAKAHINGA, hindi ako makahinga. (echoing)

Ang sarap mag-kape.....sarap sarap sarap sarap sarap talagang mag-kape.
Ang sarap mag-kape. Ang sarap mag-kape.
Ang sarap mag-kape. Ang sarap mag-kape!
Sarap sarap. Ang sarap sarap mag-kape.
Bagong laga. Kahit instant coffee, ang sarap mag-kape.
Hindi ako makahinga. Magsuntukan na tayo.
Hindi ako makahinga. Magsuntukan na tayo.
Mamaya, magsuntukan tayo. Mamaya, magsuntukan tayo.
Mamaya, magsuntukan tayo. Hindi ako makahinga.
Mamaya magsuntukan tayo. Hindi ako makahinga.
Magsuntukan na tayo. Hindi ako makahinga.
Mamaya, magsuntukan tayo. Magsuntukan na tayo.
Fade out na ‘to, fade out na ‘to...
link2 comments|post comment

LYRICS: Alaala ni Batman [Jan. 16th, 2006|03:58 pm]
Radioactive Sago Project

chronic_dose
Alaala ni Batman
Radioactive Sago Project
Urban Gulaman
Lourd De Veyra / Francis De Veyra

Ano ba yun...
Bale, 1986 nung una kong nakilala si Batman. Wala pang ABS-CBN nun. Sa BBC2 pa nun eh, panahon ni Marcos na malapit nang mamatay. Wala rin si Kris Aquino, wala pa si Boy Abunda. Sikat pa si German Moreno nun eh. Sabi ko, “Shit! Ang galing nito ah.” Natulala ako nang una kong napanood si Batman. “Shit! Ang galing nito.” sabi ko sa sarili ko. “Ang galing galing galing galing ng itsura ni Batman. Parang kinatam ang mukha. Ang galing ng costume. Umuumbok ang dibdib pero hindi pa rin bakat ang utong. At, ang galing ng gadgets niya, ang gara ng kotse, ang ganda ng bahay, ang galing-galing mag-Ingles, ang galing mangarate. Actually, pulbos nga lahat ng kalaban niya eh. Palagi ko siyang pinapanood nang tuwing hapon. Palagi akong nakikipag-away sa katulong namin dahil gusto niyang manood ng Lotlot and Friends at saka That’s Entertainment. Pero ako, isa lang talaga ang gusto kong panoorin – siya ring na idol na idol na idol na idol ko talaga (Idooool!).

Bale, idol na idol na idol na idol na idol ko talaga si Batman. Di bale na si Robin. Ayoko si Robin kasi parang bading. Ano kaya ang relasyon nila ni Batman? Pero, idol ko talaga si Batman nun. Palagi ko siyang dinodrawing. Palagi ko siyang ginagaya. Lahat ng mga bagay na Batman gusting-gusto ko at meron ako. Yung t-shirt ko Batman. Yung lunch box ko, Batman. Yung pencil case ko, yung panyo, sumbrero, yung toothbrush, yung brief ko, lahat yun Batman. Mahal na mahal ako ng tatay ko kasi kahit mahirap lang kami palagi niya akong binibili ng mga Batman na bagay. Pero minsan, gusto ko talaga ng Batmobile na laruan. Nagpabili ako sa kanya, sabi ko “Tay, bili mo naman ako ng batmobile o.” Pero, kakadaing lang niya sa trabaho nun, at wala daw siyang pera. Kasi kasali yata sa unyon, at wala siyang ticket line kaya yun, natanggal. Kaya gumawa na lang siya ng tarak-tarak na lata ng sardinas at binutasan na lang at kinabitan ng tansan at dun ko nalaman ang ibig sabihin ng pagmamahal.

At paglumipas na ang mga taon na si Batman ay halos tuluyan nang naglaho mula sa aking alaala. Ngunit sa isang madilim na sulok ng aking kamalayan, alam kong naroon pa rin si Batman - isang tahimik na aninong nakabalabal sa dilim at misteryo sa loob ng aking utak at kwarto. At mula noon ay nag-iba na nga ang ihip ng hangin, nagulo na ang ikot ng mundo, kumupas na ang kulay ng buhay. Dumaan ang mga kasintahan, ang mga asawa, ang mga taong akala mo’y kaibigan pero yun pala’y tarantado, mga artistang araw-araw napapanood sa TV na mga bobo, mga pulitikong bobo, mga trabahong maliit lang ang suweldo. Isang milyong bundok na mga problema, isang bahadang hinanakit sa mundong hinagpis. Hindi ko na matagalan. Hindi ko na matiis. Hindi ko na kaya.

Ngayon, hindi ko na talaga kaya! Hindi ko na talaga kaya! Hindi ko na kaya! May narinig akong putok na nasa kaibuturan ng aking utak. Bumigay na ang tali! Sumabog na ang bulkan! Nabasag na ang pula! Kaya ngayon, isang madilim na madilim na gabi, ako ay narito na sa tuktok ng isang mataas na mataas na building sa Ayala. Ang sarap ng hangin na umihip-ihip sa aking kapa. Nakataas ang aking mga kamay! Nakataas na ang aking mga kamay! Malapit na akong lumipad! Malapit na akong lumipad! Malapit na akong lumipad! Lipad, Batman, lipad! Lumipad ka! Lumipad ka! Lumipad ka papuntang langit! Lumipad ka! Lumipad ka! Nakataas ang aking mga kamay, nakataas na ang aking mga kamay!

Eh pero, bigla kong naisip hindi naman pala lumilipad si Batman, diba? Hindi naman pala lumilipad si Batman. Hindi naman pala lumilipad si Batman. Kaya paalam, malupit na mundo. Paalam, mahal. Paalam po, inay, itay, kuya, ate, lolo, lola, paalam po. Lolo sa tuhod, paalam po. Lola sa siko, paalam po. Bantay, paalam. Muning, paalam. Ewan ko kung sinong magpapakain sa inyo. Paalam po, Aling Tekla. Paalam po, Mang Gorio. At saka ko na lang po babayaran yung sukang inutang ko sa inyo. Paalam, Jun-jun. Paalam, Bong-bong, Ba-bye Rose, Hoy! Ba-bye, Ba-bye, Baby. Ba-bye, Pablo...
linkpost comment

Welcome! [Jan. 16th, 2006|02:55 pm]
Radioactive Sago Project

chronic_dose
[mood |excitedexcited]
[music |Funebre in X Minor No.1 -- Radioactive Sago Project]

Image hosted by Photobucket.com


Welcome to Radioactive Sago Project's first and only online community at Livejournal.


Matsala.
link1 comment|post comment

navigation
[ viewing | 10 entries back ]
[ go | later ]